Matapos ang mga mainit na rebelasyon ng Youtube vlogger na si Zeinab Harake, patungkol sa di umano’y mga naging mabigat na rason ng kanilang hiwalayan ng dating partner na si Skusta Clee, nagbigay naman ng madamdaming mensahe at pagsuporta ang kanyang ama at kapatid na si Rana Harake.

Ikinalungkot at ikinagulat nga ng mga tagasubaybay ni Zeinab ang pagsisiwalat nito sa mga di umano’y nagawa ni Skusta sa kanilang relasyon at pamilya. Naibahagi nga ito kamakailan ng vlogger sa online show ni Toni Gonzaga na Toni Talks.

Ni-reveal ng Youtuber na bago pa umano siya makunan at habang nasa-sinapupunan niya pa lang ang kanila sanang ikalawang supling na si Baby Moon, nadiskubre nitong niloloko na umano siya ni Skusta o Daryl Ruiz. Nalaman umano ni Zeinab ang ginagawang pambababae nito, maging ang di umano’y pagiging customer ni Skusta sa di umano’y pambubugaw ng isa sa itinuring nilang kaibigan.

Naging agaw atensyon nga sa netizens ang naging Instagram story ni Zeinab sa pag call-out nito sa di umano’y bugaw na kaibigan na siya umanong naging dahilan ng pagkasira ng pamilya at relasyon nina Zeinab at Skusta.

Samantala, nagpahayag naman ng mensahe ang kanyang ama na ibinahagi naman ng Youtuber sa kanyang IG story nito lamang May 9, 2022.

Ayon sa madamdaming mensahe ni Daddy Harake,

Hindi rin naman napigilan ng kapatid nitong si Rana ang maglabas ng hinaing at pahayag patungkol sa kinahinatnan ng kanyang kapatid at mga pamangkin na sina Baby Bia at Baby Moon.

Ayon sa kanyang mga Tweet post,

Ano ang mensahe mo sa pinagdaraanang pagsubok ngayon ni Zeinab Harake?

Leave a Reply

Your email address will not be published.