Kathryn Chandria Manuel Bernardo o mas kilala sa kanyang screen name na Kathryn ay isa sa pinakasikat na artista sa kaniyang henerasyon at sa Pilipinas. Makalipas ang ilang taon na pagpupursige sa industriya ng pag a-artista ay siya na ngayon ang tinaguriang box office queen dahil sa sunod sunod na success ng bawat pelikula na pagbibidahan nito.

Ilan sa mga namayagpag ay ang “House of Us,” at “Hello Love, Goodbye” na may tumataginting na 800 milyon na kita sa takilya. Bago pa man ito, nagsimula na si Kathryn sa industriya noong bata pa siya at hindi naman na talaga nakakabigla sa marami ang marangyang buhay ng aktres na ito.

Alam rin ng marami na sa kabila ng tagumpay na nararanasan niya ngayon sa kaniyang karera, ay kasama niya rin sa bawat panalo ang kaniyang long-term on screen and real life partner na si Daniel Padilla.

Bukod dito, kung investment lang din naman ang pag uusapan ay hindi nagpakabog ang batang aktres. During her stay in the industry bukod sa bahay na kaniyang naipundar na para sa kaniyang sarili at pamilya, ay mapapansin rin ang mga designer items na suot ng aktres kada siya ay lalabas.

Eto lng naman ang ilan sa mga mamahalin niyang items:

PRADA BAGS

Credits to: BernardoKathStyle | YT

Talaga namang very social and sophisticated ang hatid na karisma ng Prada bags ni Kathryn at kung nagtataka ka magkano ang bawat isa, ang itm ay nagkakahalaga ng 154. 668 pesos habang ang isa ay mahigit 68,341 pesos.

LOUIS VUITTON BAGS

Credits to: BernardoKathStyle | YT


Halos lahat naman ng artista mayroon nito pero para sa isang Kathryn Bernardo na simple lang pumorma pero malakas ang dating, kakaiba ang hatid na classy charisma niya kapag suot niya ang kaniyang Louis Vuitton backpack na nagkakahalaga ng 128,978 at LV soft luggage na may halagang 159, 110 pesos.

Kung sapatos din ang usapan, hindi mawawalan niyan si Kathryn dahil isa yan sa mga flex outfits niya mapa casual or formal gathering man ‘yan.

Credits to: BernardoKathStyle | YT

One of the leading brands talaga na maituturing ang Stuart Wetzman at Louboutin. Huwag ka na mag isip kung magkano ang isa dahil sa boots palang ay 29.920 na at sa stiletto ay humigit kumulang 68,000 pesos na.

Over the years marami ng napagdaanan sa buhay si Kathryn Bernardo kaya naman kung anong mayroon siya ngayon ay talagang masasabi natin na deserve niyang makamit at maranasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *