Maainit na usapin ngayon sa social media si Ryssi Avila na inilalayo raw ang anak sa ama dahil sa hindi nito madalas na pagdalaw at pagpapakita ng pag-aaruga dahilan upang magkasagutan sila ng kapatid ng ama ng kaniyang anak na si Andrea Garcia sa social media. Umaatikabong away at maaanghang na salita sa pagitan ng dating “Idol Philippines Season 2” runner up ang ipinakita niya sa mga comments laban kay Andrea Garcia na talaga namang nagpatumpok ng mga netizens sa kanilang social media accounts.

Heto naman ang kumpletong usapan ng kanilang sagutan sa comment section:

Andrea: “Put your facts straight. Paano naman makikita ng ama kung inilalayo mo ‘yung bata? Duh?”

Ryssi: “Inilalayo ko ba o sadyang hindi lang pinagtutuunan ng oras ng kapatid mo?”

Andrea: “He asked you so many times and yet you are the one who pushes him away… Don’t act like a victim.”

Talagang hindi rin napigilan mag comment ng mga netizens tungkol rito…

Bukod pa diyan, kamakailan lang din ay ipinakilala ni Ryssi Avila ang kanyang baby sa latest Instagram post nya na may caption na “I love you, my ANGHEL”. Kita namang proud siya sa pagiging ina, ipinakita niya pa ang kanyang stretch mark na talaga namang kinahangaan ng kaniyang mga fans at followers.

Nakilala din siya sa Tawag ng Tanghalan kung saan naging apat na beses siyang naging defending champion at naugnay rin noon sa rapper-singer na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang “Skusta Clee”. Bukod sa nagulat ang lahat na nabuntis ito, marami rin ang naintriga kung sino nga ba ang ama ng kanyang anak.

Sa isang panayam, nabanggit niyang hindi sila okay ng ama ng kanyang anak na limang buwan gulang at hindi na niya sinabi ang pangalan ng ama. Aniya mas mabuting ilihim niya at huwag sagutin ang mga tanong tungkol sa ama ng kanyang anak. Hindi niya umano naisip na magagaya ang kanyang anak sa kanya na broken family.

Ikaw nagulat ka rin ba sa balitang ito? Ano ang say mo sa mga kaganapan sa life ngayon ni Ryssi? Comment mo na yan sa thread natin below.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *