Sa pagnenegosyo, hindi talaga umano maibabase sa kasimplehan o kagarbohan ng produkto ang succesful rate ng isang business.

Isa nga sa netizen na nagpatunay nito ay si Candy Esmundo. Isang architecture graduate at young entrepreneur na ginawan ng ‘twist’ ang isang common ngunit papular na dessert ng mga pinoy na ‘Pastillas’. Mula lamang sa starting capital na PHP200, kumikita na ito ngayon ng Milyon kada buwan.

Hindi nga ito ordinaryong pastillas, dahil sa kakaibang pakulo na naisip ni Candy, kaya naman pumatok ang kanyang negosyo. Mula kasi sa cartoon characters, pinoy street foods, Korean at Japanese foods ay ilan lamang ito sa mga disenyo ng pastillas na nakapagpabago sa buhay ni Candy.

Ayon sa pagbabahagi nito sa isang panayam,

“Nag-start ako na mag-tinda sa school. Isa akong estudyante na sobrang hiyang-hiya mag-benta. Pero dahil gusto ko ng pagbabago sa buhay, nagdala ako ng pastillas namin. Binentahan ko yung mga kaklase ko sa school.”

Isa pa umano sa naging dahilan at inspirasyon ni Candy kaya nagpursige siyang umasensyo, ay dahil naranasan umano ng kanyang pamilya ang pinansyal na kakulangan na naging dahilan rin ng pagpanaw ng kanyang lola, dahil wala silang sapat na pera noon para maipagamot ito sa kanyang sakit.

“May sakit siya wala kaming pampagamot dahil nagsa-suffer din kami financially sa family. Isang bagay na ipinangako ko sa sarili ko na hindi na siya mauulit. Kasi ang hirap na nakikita mo na nawawala yung tao na mahal mo, nang wala kang perang pampagamot.”

Emosyonal na pagbabahagi Candy.

Nagsimula umano ang kanyang business bago magkapandemya, kaya’t aminado itong napanghinaan siya ng loob nang biglang mag-lockdown dahil sa COVID-19.

“Parang na-down ako. Pero doon ko na-realized, why not na mag-take ako ng advantage or tingnan ko yung krisis na ‘to with positivity?”

Isa pa umano sa naging puhunan ni Candy ay ang kanyang creativity. Mapapansin kasi na talagang nakakaengganyo sa mata ng mga customers ang bawat disenyo ng artistic pastillas version nito kagaya ng isaw, betamax, hotdog, sushi, burger, pizza at marami pang iba.

Mula sa pagtitinda sa kanyang eskwelahan at online, ngayon ay may sarili ng opisina at sasakyan ang kanyang business na tinawag nitong “Candydo Sweet Goods”. Sa tulong ng kanyang negosyo, nakatutulong na rin umano siya sa gastusin ng kanilang pamilya at higit sa lahat ay nakapagpatayo na rin si Candy ng kanilang pinapangarap na bahay.

Dahil mula sa PHP200 na puhunan, maaari nang mag-simula ng ganitong klaseng negosyo katulad ni Candy na kumikita na ngayon ng PHP300K kada linggo o halagang Milyon kada buwan, mula sa 15,000-18,000 packs ng pastillas na nagagawa nito kada linggo.

“Per month, I earned 7 digits. Malinis na ‘yun and siguro masasabi ko, I earned PHP300,000 a week.”

Pagbabahagi ni Candy.

Maliban sa kanyang pamilya, marami na rin umanong resellers at mga trabahante nito ang natutulungan ng kanyang lumalaking negosyo.

Ano ang masasabi mo sa matagumpay na business venture ni Candy Esmundo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.