Viral ngayon sa social media ang umano’y katotohanan sa likod ng isyu patungkol sa di umano hindi tamang pagpapasahod ng manager ng Trends Production sa sikat na couple vlogger na sina EXB at Analyn, kung saan nakatatanggap lang umano sila ng nagkakahalagang 100 pesos.

Nag-viral kasi kamakailan ang video na iniupload ng isang concern netizen, kung saan mapapanood na di umano nangangalakal na lang ang couple vlogger.

Makikita rin sa viral video na tinanong ng netizen kung bakit sila nangangalakal gayong sikat ang mga content nila na “Dugyot Serye” under Trends Production.

Naging malaking isyu nga ito dahil sa sinabi ni EXB na di umano 100 pesos lang ang natatanggap nilang sahod sa pag-vlovlog na siya namang ikinagulat ng maraming netizen. Kaya’t katakot-takot na pambabatikos ang natanggap ng manager na nangangalaga sa couple dahil tila di umano pinapakinabangan na lang nito ang magkasintahan.

Makikita rin sa video na nag-abot ang concern netizen ng munting tulong pinansyal kay EXB dahil nakita nito ang umano’y pangangalakal nila kahit buntis si Analyn.

Kaagad namang naglabas ng statement ang panig ng Trends Production sa pamamagitan ng content creator na si Jovan.

Ayon sa kanyang paliwanag, mariin nitong pinabulaanan ang umano’y isyung hindi tamang pagpapasahod sa magkasintahan dahil maayos umano itong nabibigyan ng sweldo ng kanilang manager. Pagsisiwalat pa ni Jovan na ang totoo umano ay idinideretso sa ina at kapatid ni EXB ang kanilang sahod dahil hindi umano marunong humawak ng pera ang magkasintahan lalo na’t napupunta lang umano ito sa bisyo at walang katuturang bagay kapag sila ang may hawak.

Hindi naman kasi umano lingid sa kaalaman ng mga manonood na may learning disability si EXB at si Analyn ay di umano malakas sa paninigarilyo kahit nagdadalantao. Patungkol naman sa pangangalakal, pilit man umano nilang pigilan sina Analyn at EXB subalit, hindi umano masaway nila Jovan lalo na’t nakagawian na umano iyon ng couple. Personal rin nilang nakuhanan ng statement sina EXB at Analyn kung saan nagkaharap-harap ang mga ito kasama ang ama at kapatid ni EXB.

Taliwas sa unang pahayag ni EXB sa netizen, paulit-ulit naman nilang claim na hindi totoo ang sinabi niya sa viral video dahil sinasahuran naman umano sila. Hindi rin umano totoong nangangalakal sila dahil di umano naglilipat lamang sila ng gamit noong mga oras na iyon.

Ayon pa sa kapatid ni EXB,

“Nakita po nila ‘yung dalawa pinara nila. Inintirview po nila kung bakit daw hindi na sila lumalabas sa Trends Production. Tapos may inabot pa pong pera. Binayaran sila, e. Binayaran sila para magsalita. ‘Yun po ang totoo. Hindi po sila nangangalakal, nagtapon lang po sila ng basura.”

Saad nito.

Samantala, nagsalita na rin ang netizen na nag-upload ng viral video at mariin rin nitong itinanggi na binayaran niya sila EXB para makuhanan ng video.

“Hindi po ako content creator, hindi po ako katulad niyo na gumagawa ng kwento. ‘Yung nakita niyo sa video ko totoo lahat ‘yon at wala akong nakikitang masama sa ginawa ko. Isa lang naman akong concern citizen, gusto ko lang mabigyan ng tulong ‘yung dalawang mag-asawa kasi buntis nga ‘yung babae tapos nangangalakal pa. Hindi totoong naglilipat sila ng bahay. Nakita namin sa daan kaya hinintuan namin. Hindi kami makapaniwala na si EXB ‘yun kasi bakit mang-aano sa basurahan, tinitignan kung may kalakal sa basurahan.”

Paliwanag ng naturang netizen.

Sino nga kaya ang nagsasabi ng totoo? Ano ang opinyon mo patungkol sa isyung ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.