Maliban sa bulaklak, ano pa nga kaya ang puwedeng gawing bouquet para sa kasal?

Kinaaliwan online ang viral wedding photos ng bagong kasal na netizens na sina Lyka at Erwin na nagmula sa IloIlo, dahil sa kanilang pambihirang naisip na literal na mamahalin ngunit praktikal na wedding bouquet.

Maraming netizens ang natuwa na siyang pinagmulan ng samo’t-saring reaksyon dahil sa kakaibang gimik ng newlywed couple na ito. Sa kabila kasi ng kontrobersyal na pagtaas ng presyo ng sibuyas ay naisipan nilang gamitin ang sa kanilang entourage ang pulang sibuya kaysa sa tradisyunal na flower bouquet. Hindi rin inakala ng marami na ang mga memes o katuwaan lamang sa social media sa ideyang puwede nang ipang-regalo ang sibuyas sa mga okasyon dahil sa napakamahal na presyo nito ay mangyayari talaga sa totoong buhay.

Makikita nga sa kanilang mga larawan na mula sa bride hanggang sa kanyang mga bridesmaid ay game na game silang nag-pose at inirampa ang mga hawak na red onion bouquet at onion bracelets. Ayon sa netizens, mapapansin din umano na nagmistulang kumpol-kumpol na grapes sa larawan ang naturang bouquet.

Ano nga kaya ang naging dahilan ng netizen couple bago nila napagdesisyunan ang wedding concept na ito? Sa panayam ng Balita Online, naibahagi ni Lyka na nakuha niya umano ang ideya nang may makita siyang isang bouquet sa social media na gawa sa pinagsamang bulaklak at sibuyas. Natuwa umano siya rito kaya naman kaagad niya itong ipinaalam sa kanyang kabiyak na si Erwin.

Aniya,

“If flowers, after the wed, pang-display na lang at kung malanta, itapon na lang din. So, why not mag-sibuyas na lang? Praktikal pa in a way na magagamit din naman after wed.”

Pahayag ni Lyka.

Matapos mapagkasunduan, kaagad umanong sinabihan ni Lyka ang kanilang wedding coordinator na palitan ng kumpol na sibuyas ang kanilang entourage.

Ayon naman sa naging feedback ng mga dumalong bisita sa kanilang kasal nitong January 21, 2023,

“Natuwa po [ako] kasi ‘yung ibang visitors namin from Manila ay na-amaze sa kinalabasan ng concept ng kasal namin.”

Kuwento ni Lyka.

Maliban dito, ginawa rin umano nilang souvenir ang sibuyas para sa kanilang mga bisita.

Samantala, narito naman ang magkakahalong reaksyon ng ilang netizens.

Bet mo rin ba ang ideyang ito? Ano ang masasabi mo patungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *